Sunday, January 31, 2010

Kwentong-Kalsada

Ang KWENTONG-KALSADA ni kkhalixx ay tungkol sa experiences ng isang ordinaryong commuter. Wala naman kakaiba dito maliban sa tungkol ito sa byahe. Byahe ng buhay na pinag dadaanan ng isang discreet na lalaki.

Literally kadalasan, katulad ng iba madalas nauubos ang oras natin sa pag commute. At habang nasa byahe tayo halo halo ang istorya nadidinig natin. Katulad din ng mga istoryang nadidinig natin tungkol sa mga discreet. Mga kakaibang experiences. May mga byaheng nakakatakot, minsan nakakabagot, pag malas nakakayamot pero minsan naman nakakatatuwa.

Isa akong batikan pagdating sa public transportation. Mula sa pagsabit sa estribo ng jeep at bus, pakikipag sikisikan sa MRT/LRT, pag sakay sa padyak, pag lalakad kapag may bagyo. Halos lahat na ata ng pwedeng sakyan nasakyan ko na. Isa akong Certified Commuter.

Lahat tayo commuter na napadaan lang. Iba iba nga lang ng paraan. May iba ibang destinasyon. Pero lahat tayo may pagkakatulad. Nasa iisang byahe lang, iisang bangka ika nga. Ito yung tinatawag nilang Byahe ng buhay. Na kung saan ikaw ang driver. Kung saan tutungo. Ikaw ang bahala.Happy reading...

No comments: